Pagbabasbas ng mga replica ng imahe ng Poong Nazareno, sinimulan na

Sinimulan na ng Simbahang Katolika nitong Martes ang pagbabasbas ng nga replica ng mga imahe ng Poong Nazareno.

Dumagsa ang mga deboto sa Quiapo Church kasunod nang unang araw ng pagbabasbas na isinagawa sa Carriedo St. dakong alas-12:00 ng tanghali matapos ang isang banal na misa

Magtatagal ang pagbabasbas sa mga imahe hanggang sa Disyembre 29.


Una nang sinabi ni Nazareno 2023 adviser Alex Irasga na tuloy ang ilang tradisyunal na aktibidad para sa pista ng Itim na Nazareno sa susunod na taon.

Maliban na lamang aniya ito sa ‘pahalik’ at ‘pasanan’.

Ang mga naturang aktibidad ay pinalitan naman nila ng ‘pagpupugay’ kung saan maaaring makita at mahawakan ang imahe at ng “Walk of Faith” procession, na isang parada na hindi kasama ang imahe ng Itim na Nazareno.

Una nang nagpasya ang Quiapo Church na alisin na muna ang ilang nakaugaliang aktibidad para sa pista ng Nazareno, kabilang na ang tradisyunal na Traslacion, na dinadagsa ng milyun-milyong deboto, dahil sa nananatiling banta ng COVID-19.


Ang pista ng Poong Nazareno ay idinaraos tuwing Enero 9. (Anthony Quindoy)

Tags: Itim na Nazareno

You May Also Like

Most Read