Latest News

PAGBABA NG COVID-19 CASES, PATULOY SA METRO MANILA

MAAARI umanong makamit ng Metro Manila ang “controlled transmission” ng COVID-19 sa Marso 1.

Ayon kay OCTA Research Fellow Guido David, ang COVID-19 infections sa NCR ay patuloy na bumababa habang ang positivity rate ay inaasahang bababa pa sa less than 5%, na siyang benchmark ng World Health Organization (WHO).

Nabatid na hanggang Pebrero 15, ang positivity rate sa Metro Manila ay nasa 6.8% na lamang.


“Medyo malapit na tayo doon sa 5% benchmark ng WHO for positivity rate. Tingin naman natin patuloy pa na bababa ‘yung positivity rate,” ani David, sa Laging Handa public briefing.

Sa sandali umanong ang COVID-19 positivity rate ay bumaba sa less than 5% ay saka lamang makakamit ang “controlled transmission” ng severe respiratory disease.

Kumpiyansa naman si David na makakamit ito basta’t patuloy na tumatalima ang mga mamamayan sa health protocols.

“Safely by March 1, I think naabot na natin yan 5%. Most likely before March 1 but safely sabihin natin by March 1, naabot na natin itong less than 5% positivity rate sa Metro Manila,” aniya pa.


Sinabi pa ni David na posible pang bumaba ang mga bagong COVID-19 cases sa bansa ng 1,000 hanggang 2,000 kada araw sa katapusan ng Pebrero hanggang unang bahagi ng Marso.

“Posible pa nga na less than 1,000 kung talagang mas mapabilis pa ‘yung pagbaba ng kaso,” pahayag pa ni David. (Jaymel Manuel)

Tags: OCTA Research Fellow Guido David

You May Also Like

Most Read