Latest News

Pagbaba ng alert level, pag-ingatan — OCTA

PINAG-IINGAT pa rin ng OCTA Research Group ang gobyerno sa pagbaba ng alert level sa National Capital Region (NCR) at kalapit na mga probinsya sa kabila ng pagtataya nila na maaaring mailagay na sa ‘very low risk classification’ ang rehiyon.

Sinabi ni OCTA Reseach fellow Dr. Guido David na hindi pa nakatitiyak ang bansa kung magkakaroon ng ‘super spreader events’ lalo na at nag-uumpisa na ang opisyal na kampanyahan para sa halalan sa Mayo 9.

“Nagre-reverse ang trends kapag hindi sumunod ang tao sa minimum protocols. Iniiwasan natin nag premature switch at magkampante ang mga tao,” ayon kay David.


Sa kasalukuyan, hindi pa umano kababa ang positivity rate ng NCR na nas a8.6% pa nitong Sabado pero umaasa ang OCTA na papapa ito ng 5% sa susunod na dalawang linggo.

Kabilang sa magagandang ‘indicator’ naman ay nasa mas mababa na sa 30% ang healthcare utilization rate, nasa 0.21 ang reproduction number, at ang ‘average daily attack rate (ADAR) ay nasa 5.

“Alam naman natin na ang mga numbers na ito is not the true numbers, yang mga nakikita natin at nare-report. There is a higher incidence of Covid accross the country, we could be a little bit cautious in our approach,” ayon pa kay David.

“Pero I think yung trend is getting in the right direction and given mga two week, we could be OK to de-escalate to Alert Level 1,” dagdag pa niya.


Sa hindi naman pagkakasundo nila ng Department of Health (DOH), sinabi ni David na maaring ang 10.5 na ADAR na sinasabi ng ahensya ay base sa ‘two-weeks ADAR’ habang ang binanggit nilang 5.17 ADAR sa NCR ay base sa ‘one-week ADAR’ lamang.

“Last December naman ‘very low risk’ na tayo, ‘pag bumaba sa 140 cases per day or less, nasa ‘very low risk’ na ulit tayo. Baka makita natin ito by March, early or later March,” dagdag niya. (Jantzen Tan)

Tags:

You May Also Like

Most Read