PAGASA, NAGBABALA SA NAKAMAMATAY NA ‘HEAT STROKE’ NGAYONG EL NINO

By: Jesse Ruiz

PATULOY ang ginagawang pagpapalabas ng mga babala at advisory ng Office of Civil Defense hinggil sa peligrong dulot ng Super El Niño na nararanasan ng bansa.

Base sa ibinahaging babala ng state weather bureau, nanawagan ang OCD sa publiko na manatiling ‘hydrated’ sa panahong umiral ang sobrang init at kung maaari ay manatili sa mga lilim o malamig na lugar kung hindi maiiwasang lumabas ng bahay.


Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ang matagal na pagkakadarang sa init ay maaaring maging sanhi ng heat cramps, heat exhaustion at maaari ding humantong sa heat stroke na posibleng maging sanhi ng kamatayan.

Kahapon ay nagbabala ang PAGASA sa 16 na lugar sa bansa na makakaranas ng mapanganib na antas ng init, kung saan aabot ito sa 43 degrees Celsius.

Ayon sa state weather bureau, sa huling tala ng heat index forecast ng PAGASA ay kabilang ang Iloilo City, San Jose sa Occidental Mindoro at Catarman sa Northern Samar, kung saan makakaranas ang mga probinsya ng 43 degrees Celsius.


Ilan din sa mga napag-alaman na makakaranas ng 42°C na heat index ay ang mga sumusunod na area:

Ilocos Region
Bacnotan, La Union
Central Luzon
Camiling, Tarlac
Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, and Quezon)
Sangley Point, Cavite City, Cavite
Mulanay, Quezon
Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, and Palawan)
Cuyo Palawan


Bicol Region
Daet, Camarines Norte
Legazpi City, Albay
Virac, Catanduanes
Roxas City, Capiz
Negros Island Region

Siquijor, Siquijor
Eastern Visayas
Borongan, Eastern Samar
Zamboanga Peninsula
Dipolog, Zamboanga del Norte
Zamboanga City, Zamboanga del Sur


Nagbabala naman ang weather bureau na ang matagal na exposure sa init ay maaaring maging sanhi ng heat exhaustion at pagkaubos ng tubig sa katawan na maaari ding humantong sa heat stroke.

Tags: Office of Civil Defense

You May Also Like

Most Read