NAG-TRENDING agad ang balitang pag-follow ng US pop superstar na si Justin Bieber kay Andrea Brillantes na Instagram account ng aktres.
Maraming fans and followers ng aktres ang sobrang na-excite kasi nga naman, 846 accounts lang sa Instagram ang pina-follow ng sikat na pop singer, at nadagdag sa listahan si Andrea.
May 14.3 million followers sa Instagram si Andrea, na nakilala internationally matapos maging no.1 sa TC Candler’s “Most Beautiful Faces of 2024” list last December 2024.
Si Justin Bieber ay isa sa most-followed celebrities on
Instagram, with 294 million followers.
Napapanood ngayon ang aktres sa Kapamilya series na “FPJ’s Batang Quiapo” ni Coco Martin.
Napanood din si Andre sa katatapos na “High Street” at “Senior High” series ng Kapamilya.
Sa isang interview ay inamin ni Andrea na nagde-date sila ng Filipino-Jordanian former basketball player na si Sam Fernandez, na naglaro sa high school basketball ng San Beda University.
“Sinabi ko naman na open ako sa pag-de-date kasi two years na rin naman akong walang boyfriend. Naloloka ako kasi ang daming nagsasabi na bakit may boyfriend na raw ako agad, I’m just dating,” say ni Andrea.