PAG-BYPASS SA LGU SA DUPAX DEL NORTE MINING,PINAIIMBESTIGA NI SEN. ERWIN TULFO; MARAHAS NA DISPERSAL NG PROTESTERS, KINONDENA

By: Jerry S. Tan

Ipinananawagan ni Sen. Erwin Tulfo na maimbestigasyon ng Senado, in aid of legislation, ang aniya ay mga exploration activities ng minahan ng isang dayuhang kumpanya sa Dupax del Norte, Nueva Vizcaya.

Pinuna rin ni Tulfo, Chairman ng Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development, ang Philippine National Police (PNP) dahil sa paggamit ng puwersa upang buwagin ang mga nagpoprotestang residenteng, karamihan ay mga magsasaka.


Ayon sa Senador, binigyan ng kinakailangang permit sa pagmimina ang dayuhang kumpanya nang walang konsultasyon sa mga residente at lokal na opisyal.

“Ayon sa mga residente at mismong mga halal na opisyal ng lokal na pamahalaan, wala umanong naganap na tunay, malinaw, at makabuluhang konsultasyon bago ibinigay ang nasabing permit,” ani Tulfo sa kanyang privilege speech.

“Mr. President, kung ito ay totoo, hindi lamang ito simpleng pagkukulang. Isa itong malinaw na pagyurak sa Local Government Code at sa prinsipyo ng local autonomy,” dagdag pa niya.


Ani Tulfo, hindi maaaring balewalain ang mga LGU sa mga desisyong ginagawa sa national level: “Imposible ring balewalain ang mga komunidad na direktang maaapektuhan ng epekto ng pagmimina—sa kanilang lupa, tubig, kabuhayan, at kalusuga.”

Noong Agosto 25, 2025, inaprubahan ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang isang exploration permit para sa Woggle Corp., isang affiliate ng British firm na Metals Exploration Plc at FCF Minerals Corp., sa mahigit 3,100 ektarya sa Dupax del Norte, na sumasaklaw sa limang barangay—Bitnong, Inaban, Mungia, Parai, at Oyao.




Upang tutulan ang exploration activities, nagsimulang magtayo ng barikada ang mga residente noong Setyembre 2025.

Ang Dupax del Norte ay isang 3rd class municipality na may 15 barangay at mayaman sa mineral na may malaking potensyal sa ekonomiya sa pamamagitan ng pagmimina, lalo na ng ginto at tanso.


Inihayag ni Tulfo na ang pinakamasama, batay sa mga ulat ay puwersahang binaklas ng mga miyembro ng PNP noong Enero 23, 2026 ang barikada na humaharang sa mining firm papunta sa exploration site at inaresto ang pitong nagpoprotesta. Tatlong araw pagkatapos, ibinasura ng prosecutors’ office ang mga kasong “resistance and disobedience” laban sa pitong residente.

“The right of citizens to peacefully assemble and express opposition—especially on issues that affect their land, environment, and livelihood—is protected by our Constitution. Any use of force against civilians exercising these rights must be subjected to the highest level of scrutiny,” aniya.

“Mining exploration is not a neutral activity. It has long-term implications on water systems, agricultural land, indigenous communities, and ecological balance. This is precisely why consultation is not an option—it is mandatory,” dagdag pa nito.


Pinagpapaliwanag ng Senador si Secretary Raphael Lotilla ng DENR kung bakit pinayagan ng kagawaran ang exploration project; ang MGB upang ipakita ang lahat ng dokumento, konsultasyon, at correspondence na nagpapahintulot sa exploration activities; at ang PNP dahil sa paggamit violent force laban sa sarili nitong mamamayan.

“Mr. President, the people of Dupax are not asking for special treatment. They are simply asking for what the law already guarantees them: a voice in decisions that will shape their future,” pagtatapos ni Tulfo.

Tags: Sen. Erwin Tulfo

You May Also Like