Latest News

“PAENG” DEATH TOLL, 121; 36, MISSING… 4 NA REHIYON NASA STATE OF CALAMITY

UMAKYAT na sa 121 ang inulat na nasawi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bunsod ng pananalasa ng Typhoon Paeng sa bansa.

Nasa 103 katao naman ang reported injured o nasaktan sa kasagsagan ng tropical storm na tumama sa may 73 na lalawigan habang may 36 pang inulat na nawawala ang pinaghahanap pa ayon sa NDRRMC kahapon.

Nasa 3.1 million katao or 927,822 families ang naapektuhan ng bagyo na tumama sa 16 na rehiyon.


Nasa P1.280 naman ang tinatayang danyos ng bagyo sa agrikultura, na may 54,000 farmers at fisherfolk ang apektado at umaabot sa 57,000 hectares of crops ang nasira.

Magugunitang ibinasura ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr., ang rekomendasyon ng NDRRMC na ilagay ang buong bansa sa state of national calamity.


Sa halip ay nagdeklara ng state of calamity si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa ilang rehiyon sa bansa na lubhang naapektuhan ng Bagyong Paeng.

Kabilang dito ang Regions 4-A (CALABARZON), 5 (Bicol Region), 6 (Western Visayas), at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARRM na isinailalim sa state of calamity sa loob ng anim na buwan.


Ang direktiba ay ginawa ni Pangulong Marcos sa pamamagitan ng Proclamation No. 84 na nilagdaan kahapon , Nobyembre 2.

Inilabas ang deklarasyon para mapabilis ang pagbangon at pagtugon na rin ng gobyerno sa pangangailangan ng mahigit isang milyong populasyon na apektado ng kalamidad.

Nabatid na iiral ang state of calamity sa loob ng anim na buwan hanggang sa magdesisyon ang pangulo na alisin na ito.

Kaugnay nito ay ipinahayag ng Pangulong Marcos na panahon na para matugunan ang epekto ng climate change, deforestation, at pagtutok sa flood control para maiwasang maulit ang mass casualties gaya ng idinulot ng bagyong Paeng. (VICTOR RUIZ BALDEMOR)

Tags: Typhoon Paeng

You May Also Like

Most Read