Latest News

Pader ng immunity, bumaba na — DOH

Bumababa na ang ” wall of immunity” kaya kinakailangan na magpa-booster shot.

Ito ang kinumpirma ng Department of Health (DOH), kung saan ang rurok ng COVID 19 ay maaabot sa katapusan ng Hulyo habang ang hospitalization rate ay tataas sa katapusan ng Agosto.

“Based on the projections, it would be as low as 1,800 cases nationally, to as high as 11,000 cases nationally,”ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Sinabi ni Vergeire na sa kabila nang ito ay projection lamang ay madaming bagay ang maaring gawin para mapigilan ang pagtaas ng kaso.

“What we are trying to flag to the public would be if we do not update our boosters, the wall of immunity is really going down,” giit ni.Vergeire

“We are going to see, based on our projections, an increase [in hospitalization] towards the end of August and the start of September.”

Ayon sa DOH, nitong Lunes ay may 71,055,752 milyong indibidwal ang nakakumpleto ng primary vaccination laban sa coronavirus pero tanging 15,342,652 lamang ang nakapagpa- booster.

Nabatid rin na nitong Lunes ay umabot sa 1,660 ang bagong kaso na mas mataas sa daily average na 1,467.

Tags:

You May Also Like

Most Read