NATALO si Manny Pacquiao sa kaso laban sa isang US sports firm at inutusan ng korteng magbayad ng $5.1 milyon.
Natalo sa isang civil case si ko Pambansang Kamao sa US na pumanig sa Paradigm Sports Management dahil sa isang hindi pagkakaunawaan sa kontrata.
Ayon sa isang korte sa California, nilabag ng 8-world division champ ang kanyang kontrata sa PSM kaya nag-utos sa boxing legend na magbayad ng US $5.1 milyon o higit P282 milyon.
Tinanggap ng korte ang naging pahayag ng Paradigm na ang mga aksyon ni Pacquiao ay naging imposible para sa US sports management group na tuparin ang mga obligasyon nito sa kontrata, na humantong sa isang multi-milyong pagkawala sa kita.
Ang jury na bumoto ng 9-3 pabor sa PSM ay ginawaran ang sport firm ng $1.8 milyon bilang danyos, ayon sa ulat sa Los Angeles correspondent ng ABS-CBN News na si Steve Angeles.
Nagdesisyon din ang korte na ibalik ni Pacquiao ang $3.3-million advance ng PSM.
“The decision came a week after Pacquiao, the only eight-division world champion, personally testified, sitting on the witness stand for over six hours,” ayon sa ulat.