Latest News

Pacquiao ‘handa’ na muling labanan si Mayweather sa 2024

HANGAD ni Filipino boxing icon Manny Pacquiao na makaharap ang karibal na si Floyd Mayweather Jr. sa isang rematch ngayong 2024.
Inihayag ng dating eight-division world champion noong Bisperas ng Bagong Taon sa Rizin 45 mixed martial arts event sa Saitama na magkakaroon umano siya ng “malaking laban” sa Japan ngayong taon.
Ayon kay Rizin chief executive Nobuyuki Sakakibara,  makakaharap ni Pacquiao si Mayweather — siyam na taon matapos ang huling paghaharap sa isa’t isa sa tinaguriang “Fight of the Century.”
Tinanong ni Sakakibara ang Filipino boxer kung makakalaban niya si Mayweather ngayong taon at ang sagot nito ay: “I’m ready.”
“Thank you so much for inviting me here again. I’m sorry for the last time that we promised that we were going to fight this year, but like Sakakibara-san explained,” said Pacquiao, who had promised to have an exhibition match against a Japanese fighter during his 2022 New Year’s Eve appearance but it didn’t push through,: ani  Pacquiao, na nangako na magkakaroon ng exhibition match laban sa isang Japanese fighter sa kanyang 2022 New Year’s Eve appearance. ngunit hindi ito tumuloy.
Ang  45-anyos na retiradong propesyonal na boksingero ay nangako ng isang bagay  sa Japanese crowd.
“(This) year I hope to see you here in Japan again with a big fight against …” said Pacquiao before Sakakibara quipped: “Floyd Mayweather.”
“Floyd Mayweather, yeah. I thought you didn’t want me to say that. But I’m excited for that. Thank you for always supporting Rizin, and thank you Sakakibara-san,” dagdag pa ni Pacquiao.
Hindi naman sinabi nina Pacquiao at Rizin ang buong detalye ng kanilang posibleng rematch dahil hindi pa sumasagot ang kampo ni Mayweather sa anunsyo.
Ang laban ni Pacquiao-Mayweather ay ginanap noong Mayo 2015, na sumira sa records ng pay-per-view.
Tinalo ni Mayweather si Pacquiao sa pamamagitan ng unanimous decision at pinag-isa ang World Boxing Association, World Boxing Council, at World Boxing Organization welterweight championship.
Ibinitin ng American boxer ang kanyang glove na walang talo sa 50 laban noong 2017, habang si Pacquiao ay nagretiro tatlong taon na ang nakararaan nang magpasya siyang tumakbo bilang presidente noong May 9, 2022 elections ngunit natalo siya.
Huling nakalaban ni Pacquiao ang South Korean YouTuber na si DK Yoo sa kanyang unang exhibition match sa pamamagitan ng unanimous decision sa anim na round noong Disyembre 2022.
May panibagong exhibition ang dating senador sa Abril laban sa Thai na si Buakaw Banchamek.
Nakakita na ng aksyon si Mayweather sa 10 exhibition matches ngunit ang huli niya noong Hunyo laban kay John Gotti III ay nauwi sa in-ring brawl.
Tags:

You May Also Like

Most Read