Latest News

Paco Catholic School, nadamay sa nasunog, isa sugatan

By: Baby Cuevas

Nadamay sa nasusunog na dalawang palapag na commercial establishment sa Pedro Gil Street sa Paco, Maynila ang bahagi ng Paco Catholic School kamakalawa ng gabi.

Batay sa ulat ng Manila Police District -Police Station 5, tuluyang idineklarang ‘fire -out’ ni FSupt.Leo Andiso ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog ala-1:45 ng madaling araw nitong Abril 21.

Isa ang nasugatan sa insidente na agad binigyan ng first aid ng mga tauhan ng Manila Risk Reduction Management Office (MRRDMO) at kinilalang si Cherraline Rufil ,23.


Nagsimula ang sunog alas- 8:02 ng gabi na umabot sa ika-limang alarma sa commercial establishment na pag-aari ng isang Jose Cortez.

Mabilis umanong kumalat ang apoy dahil sa ang establisimiyento ay gawa sa light materials.


Samantala, patuloy na iniimbestigahan ng arson probers kung ano ang sanhi ng sunog.


Tags: Bureau of Fire Protection (BFP)

You May Also Like

Most Read