Latest News

Pabuya para sa impormasyon sa nakatakas na preso, alok ng BuCor

MAGBIBIGAY ng P10,000 pabuya ang Bureau of Correction (BuCor) sa sinuman makapagbibigay ng impormasyon sa isang presong nakatakas mula sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro.

Sa ipinadalang alarma sa Manila Police District(MPD) , ang Person Deprived of Liberty (PDL) na si Rolly Cantara ,45 ay nakatakas sa naturang piitan noong Marso 8.

Nabatid na si Cantara ay tubong Barangay Aguilar ,San Lorenzo,Guimaras ,may kaaong murder at may hatol na reclusion perpetua.

Maari umanong tumawag sa 09550865224 o 09970810732 ang sinuman na makakapagbigay ng impormasyon sa tumakas na preso.

Natuklasan ang pagkawala sa piitan ng preso nang magsagawa ng pagbibilang.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng BuCor para malaman kung papaano nakatakas ang bilanggo. (Carl Angelo)

Tags:

You May Also Like

Most Read