Pangunahan ang mga hakbang na pababain ang inflation rate at bibigyan ng trabaho ang mamamayang Pilipino.
Ito ang panawagan ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa pamahalaan matapos muling maranasan ang napakataas na inflation at unemployment rate.
“Alam nating may problema at gusto natin malaman na yun man lang ay mayroong paraan at ginagawa ito ng gobyerno para mapigilan, mapababa ang inflation at mabigyan ng trabaho ang mga mamamayan,” ayon kay Pabillo.
Mensahe din ng Obispo sa mamamayan at manggagawa na huwag mawalan ng pagasa at ugaliin ang pagtitipid sa panahon sa matinding krisis ng ekonomiya.
Ito ay upang magkasya ang kanilang pera sa mga gastusin at patuloy na maitaguyod ang kanilang mga pamilya. (Anthony Quindoy)














