Latest News

PAALALA SA MGA ASAWA NG PULIS: MID-YEAR BONUS, PWEDE NANG KUBRAHIN

By: Victor Baldemor Ruiz

PAALALA sa misis ng mga pulis, maaari ng kubrahin ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang “mid- year bonus” simula pa kahapon.

Sakop ng nasabing bonus ang 227,832 personnel ng PNP, kasama na ang mga 3rd level officers at ayon kay PNP Chief General Benjamin Acorda, Jr. ipinasok na sa Land Bank of the Philippines ang bonus na nagkakahalaga ng P7,544,095,221 at maaari na itong i-withdraw sa ATM payroll account ng mga pulis.

Nabatid na hinugot ang pondo para sa mid year bonus mula sa regular PNP appropriations na nakapaloob na sa kanilang 2023 budget.


“The mid-year bonus is a legislated provision in the annual General Appropriations Act that serves as compensation for qualified personnel,” pahayag ni Gen. Acorda. Ang naturang bonus ay katumbas ng isang buwang basic salary ng pulis.

Paglilinaw naman ng PNP Finance Service na taxable ang mid-year bonus na nagkakahalaga ng mahigit P90,000.

Masamang balita naman para sa mga pulis na may nakabinbing kaso dahil hindi sila kasali sa mga makatatanggap ng mid-year bonus .


Tags: Philippine National Police (PNP)

You May Also Like

Most Read