TINATAYANG nagkakahalaga ng P90 million ang nasabat na smuggled fuel ng mga operatiba ng Bureau of Customs katuwang ang National Bureau of Investigation sa isang ship repair dock sa Mariveles , Bataan.
Sa ulat kinumpiska ng BOC at NBI ang may 136,000 liters ng hinihinalang smuggled diesel fuels matapos na mag negatibo ito sa fuel markers para sa mga imported fuel.
Nabatid na limang truck at isang tankers na pinaglagyan ng hinihinalang puslit na diesel ang ang kinumpiska ng mga awtoridad.
Sinasabing 16 na fuel trucks ang nadiskubre sa loob ng sinalakay na establisimyento subalit lima pa lamang ang nasalinan ng puslit na diesel. Habang na na hold na Marine /Tanker Lorna-2, ay tinatayang may kargang 80,000 hanggang 100,000 litro ng fuel, ayon kay BOC Special Agent 1 Lesster Kibanoff.
Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni BOC Commissioner Bienvenido Y. Rubio, lumitaw sa spectrometer test na walang chemical markers ang kargang fuel ng MT Lorna-2 para sa mga legally imported fuel.
“Gabi na namin pinasok ito, at yung pagpasok natin, nagkaroon ng habulan… ‘Yung dalawang barko, naabutan namin nandito nagdi-diskarga at nakapila ang mga trak. Na-confirm natin na ‘yung 16 na trak dito, 5 dito ay nakargahan na,” ayon kay Atty. Mark Santiago, executive officer at NBI-AOTCD.
Sinasabing nagkaroon pa ng habulan kung saan naka alis ang isang marine tanker.