P875.6 bilyong pondo sa medical care, laan ng DBM

By: MARK ALFONSO

NAGLAAN ang Department of Budget and Management (DBM) ng mahigit P800 bilyon para pondohan ang mga programa para sa medical care at health assistance sa mga marginalized na Pilipino sa ilalim ng panukalang P5.768-trilyong pambansang badyet sa susunod na taon.


Sa ilalim ng 2024 National Expenditure Program (NEP) naglaan ang DBM ng P875.6 bilyon para sa pagbibigay ng medical care at suporta para sa mga mahihirap,

Naglaan ang Budget Department ng P101.5 bilyon para sa National Health Insurance Program ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Ang nasabing halaga ay popondohan ang pangangailangan sa health insurance kabilang ang 12.75 milyong mahihirap sa ilalim1 ng National Household Targeting System; 8.26 milyong senior citizens sa ilalim ng Republic Act (RA) 10645 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010; 136,030 unemployed persons with disability; 15,683 financially-incapable point-of-service patients; at 25,512 “PAyapa at MAsaganang PamayaNAn” beneficiaries.


Bukod dito, P22.3 bilyon ang ilalaan para sa tulong medikal sa 1.31 milyong indigent at financially-incapacitated na mga pasyente.

Samantala, P1.707 bilyon ang ilalaan para sa Prevention and Control of Non-Communicable Diseases kabilang ang P1.024 billion para sa 18,695 cancer patients; at P682.709 million para sa 124,246 mental health patients sa 362 mental health access sites.


Sinabi ng DBM na ang mga alokasyon ay gagamitin para sa pagkuha ng mga gamot sa Kanser tulad ng Trastuzumab 600 mg/5ml, Docetaxel 40 mg/mL, Paclitaxel 6 mg/mL, atbp.; at mga gamot sa kalusugan ng isip kabilang ang Sodium Valproate 250 mg, Paliperidone Palmitate 100 mg, Haloperidol 5 mg/mL, at iba pa.

Kaugnay nito, isa pang P1 bilyon ang ibabadyet para sa Cancer Assistance Fund para sa patuloy na medical assistance sa mga cancer patients na nakatala sa 31cancer control access sites sa buong bansa.


Ang halaga ay mas mataas ng P500 milyon kumpara sa 2023 General Appropriations Act dahil sa pagtaas ng bilang ng mga cancer patients sa buong bansa.

Tags: Department of Budget and Management (DBM)

You May Also Like

Most Read