P85-M halaga ng frozen agricultural products, nasamsam ng BOC

By: Victor Baldemor Ruiz

ITINATAYANG nagkakahalaga ng mahigit sa P85 million ng hinihinalang puslit na agricultural products mula sa China ang nadiskubre sa sinalakay na bodega sa Parañaque City.

Ayon sa Bureau of Customs (BOC), habang tinatayang nasa P85 milyon ang inisyal na imbentaryo, ang aktuwal na halaga ng kargamento kabilang ang frozen na karne ng baboy, itik at manok at mga pagkain na may Chinese markings, ay hindi pa matukoy ng mga examiners.

Bibigyan ng BOC ang warehouse owners ng 15 araw para mag-prisinta ng mga kinakailangang dokumento para na rin malinis ang alegasyon na “hoarding imported products” ang ginagawa nila.


Sakaling mabigo ang mga ito na magsumite ng tamang dokumento, mahaharap sila sa mga kaso na paglabag sa provisions ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) on misdeclaration of goods.

Ang pagsalakay ay isinagawa ng magkasanib na pwersa ng Customs Intelligence and Investigation Service – Manila International Container Port (CIIS-MICP), Enforcement and Security Service – MICP (ESS-MICP), Philippine Coast Guard-Task Force Aduana (PCG-TFA) at Department of Agriculture – Inspectorate and Enforcement (DA-IE).

Pinasok ng mga awtoridad ang nasabing warehouse gamit ang inisyu na Letter of Authority (LOA) mula sa tanggapan ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio.

Matapos na isilbi ang LOA ay isinagawa na ang pagsasaliksik na naging daan para madiskubre ang kahon-kahong na frozen food products at iba pang foodstuffs na may Chinese markings.


Ayon kay Rubio:”We rigorously monitor and regulate agricultural imports to prevent the entry of illicit products that could undermine the integrity of our agricultural industry. Our stringent inspection protocols and enforcement measures ensure that only compliant goods enter the market.”

Tags: Bureau of Customs (BOC)

You May Also Like

Most Read