P85-M ECSTASY, NASABAT SA CMEC

By: Jerry S. Tan

Itinatayang aabot sa P85-milyong halaga ng ecstasy tablets ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs at NAIA PDEA-IADITG sa Central Mail Exchange Center sa Domestic Road sa Pasay, mula Netherlands.

Naaresto ang apat na indibidwal matapos kunin ang isang parcel na naglalaman ng tinatayang aabot sa 50,000 piraso na ecstasy tablets.


Ayon sa ulat ng BOC-NAiA na pinamumunuan ni Atty. Yasmin Mapa bilang District Collector, ang nasabing parcel ay dumating noong March 19 at idineklarang ‘dog food,’ kung saan nakalagay ang walong malaking pakete na naglalaman ng iligal na droga.

Nabatid na galing pa ng Cabanatuan ang lalaking naarestong ‘consignee’ at kasama pa ang isang kagawad ng Tondo, Manila at mag-asawa na sumama sa pag-claim ng naturang parcel.

Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad kung sinu-sino ang sangkot sa pagpupuslit ng iligal na droga papasok sa bansa.


Tags: Bureau of Customs

You May Also Like