P75-M PEKENG CROCS FOOTWEAR, NASAMSAM NG PNP-CIDG

By: Victor Baldemor Ruiz

NASA P75 milyong halaga ng pekeng Crocs footwear ang nasamsam ng mga ahente ng Philippine National Police-Criminal investigation and Detection Group sa mga sinalakay na bodega sa lalawigan ng Bulacan.

Apat na Chinese nationals din ang naaresto sa isinagawang raid ng mga pulis matapos ang tatlong magkahiwalay na pagsalakay.


Kinilala ng PNP ang apat na Chinese nationals na sina Weibin, Zhenpan, Youding at Wang ng Elite Globus Prime Holdings Corporation na nagmamay-ari ng tatlong warehouse sa Meycauayan, Bulacan.

Kasama sa mga karagdagang nakumpiskang ebidensya ang mga resibo ng negosyo, mga computer set, isang CCTV DVR, at isang web mill printer.

Ayon kay Police Major General Nicolas Torre III, patakaran ng estado na protektahan at i-secure ang mga exclusive rights ng scientists, inventors, artists at iba pang gifted citizens sa kanilang intellectual property at creations.


Ang apat na Chinese nationals ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 155 (Trademark Infringement) kaugnay ng Section 170 ng R.A. 8293 (Intellectual Property Code of the Philippines) para sa hindi awtorisadong paggamit ng isang rehistradong trademark na maaaring magdulot ng kalituhan sa mga mamimili.


Tags: Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group

You May Also Like

Most Read