KUMPISKADO sa pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation – Cordillera Administrative Region (NBI-CAR), PNP Tuba MPS, PDEU/PIU, PIDMU – Benguet, PDEA – Baguio-Benguet, PDEA – CAR, RSET at 2nd PMFC-Benguet PPO ang may 600 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na itinatayang nasa P72 milyon ang halaga.
Ang nasabing marijuana ay mula sa isang marijuana cultivator/distributor na sinalakay ng NBI noong Marso 22, 2024 sa Sitio Sangilo, Camp 4, Tuba, Benguet.
Napag-alaman sa NBI-CAR na ang mga pinatuyong dahon ng marijuana na may ‘ talks at fruiting tops’ ay nakabalot sa isang kulay itim na plastic sheets at sako. Ang na-recover na marijuana ay itinur- over sa PNP Tuba MPS para sa dokumentasyon at para sa forensic examination sa RFU Cordillera.
Ayon sa NBI, ang nabanggit na property ay inuupahan ng isang alyas ‘Felimon’ at hindi alam alam ng may-ari na ginawa itong marijuana plantation.
Nagsampa ang NBI ng kasong paglabag sa RA 9165 kilala bilang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 laban sa suspek at mga kasabwat nito diumano.














