Latest News

P71-M halaga ng shabu, nasabat sa Sampaloc

By: Baby Cuevas

Nasabat ng mga tauhan ng Manila Police District- District Drug Enforcement Unit ang mahigit isang kilong shabu may street value na P7.1 milyon, mula sa isang 25-anyos na pusher sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ni MPD Director PCol Arnold Thomas Ibay ang suspek na si Jason Danguecan, alyas Ali, Muslim at residente ng Barangay Silangan,San Mateo,Rizal.


Si Danguecan ay naaresto ng mga awtoridad sa P. Campa St., corner A. Mendoza St., Barangay 463, Sampaloc, Maynila sa ikinasang buybust operation.

Nakumpiska sa suspek ang isang knot tie transparent plastic bag, isang naka seal na transparent plastic bag na naglalaman ng shabu at P500 genuine marked money at 69 piraso ng tig P1000 boodle money.

“This accomplishment demonstrates our relentless campaign to resolve and to go all-out in our fight against illegal drugs to clear our barangays of this menace of the society,”ayon kay Ibay.


Nabatid kay Ibay na nakadetine ang suspek sa DDEU at sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 kilala bilang Dangerous Drug Act of 2002.


Tags: Manila Police District- District Drug Enforcement Unit

You May Also Like