Latest News

P700K HALAGA NG DROGA, NAKUMPISKA, DALAWANG LOLA, ARESTADO

By: Victor Baldemor Ruiz

ITINATAYANG aabot sa mahigit kalahating milyon ang halaga ng iligal na droga na nakumpiska ng mga awtoridad sa isinagawang anti-narcotics operation sa Daet, Camarines Norte.

Sa ulat na ibinahagi ng Philippine National Police -Police Regional Office 5 ay kinilala ang mga nadakip na suspek na sina alyas Linda, 56 anyos, residente ng Happy Homes Fairview III, Purok-6, Barangay Magang, Daet, Camarines Norte at si alyas Rosa, 55 anyos, residente ng Purok-2, Barangay Mangcamagong, Basud, ng kaparehong probinsya.

Ayon sa PNP-PRO 5, matapos ang isinagawang case build-up at ilang linggong surveillance stint ay ikinasa ang buy-bust operation laban sa mga hinihinalang bigtime drug personalities sa area.


Nang kumagat sa bitag ang mga target ng buy-bust operation ay agad na inaresto ang mga suspek na nakuhanan ng humigit-kumulang sa 115 grams, at nagkakahalaga ng P782,000.

Sa ngayon, nasa ilalim na ng kustodiya ng mga awtoridad ang mga suspek para sa karampatang disposisyon.


Tags: Philippine National Police-Police Regional Office 5

You May Also Like

Most Read