P7.7-M ILIGAL NA DROGA, NASABAT SA CMEC

By: Jerry S. Tan

Humigit-kumulang sa P8-M halaga ng iligal na droga mula sa tatlong abandonadong parcel ang nasabat ng Bureau of Customs at NAIA PDEA-IADITG sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa domestic road, Pasay City.

Una rito ay naharang ng customs examiners ang parcel na idineklarang ‘COLLECTIBLE CAMERA FILM ROLL’ na padala ng ABH Studios ng USA na naka-consign kay Eliazar Nace ng Cebu City. Ito ay naglalaman ng 96 boxes ng cartridge marijuana oil na may standard drug price na aabot sa P5,760.


Ang pangalawang parcel ay idineklarang ‘WOMEN’S T-SHIRT’ na padala ng isang Linda Kim mula USA na naka-consign naman kay Julies Rivera ng Bacolod City, Negros Occidental. Nakalagay dito ang plastic bag na naglalaman ng marijuana (Kush) na 468 grams at may standard drug value na P655,200.

Ang pangatlong parcel naman na idineklarang ‘cloths & dener stone” na padala naman mula sa Pakistan at naka-consign kay Erin Jane De Asis ng Naga City, Camarines Sur, ay naglalaman ng 957 grams na hinihinalang shabu na may standard drug value na P6,507,600.

Ang mga nasamsam na iligal na droga na may kabuuang halagang aabot sa P7,738,800 ay naiturn-over na ng Customs sa NAIA PDEA-IADITG para sa karagdagang imbestigasyon at tamang disposisyon.


Tags: Central Mail Exchange Center (CMEC)

You May Also Like

Most Read