P68-M SHABU NASAMSAM, DALAWANG DRUG PERSONALITIES, HULI

By: Victor Baldemor Ruiz

ITINATAYANG aabot sa P68-milyong halaga ng droga ang nasamsam ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency katuwang ang Manila Police District sa kinasang anti-narcotics operation sa Pasay City nitong nakalipas na linggo.

Ayon sa ulat, dalawang hinihinalang high- value drug personalities ang nadakip sa inilunsad na buy- bust operation sa pangunguna ng PDEA RO NCR – Manila District Office, kasama ang MPD.

Sa operasyon, naaresto ng mga awtoridad ang mga suspek na kinilalang sina Alyas “Aldrich”, 28, binata, at residente ng Acacia Drive San Roque, Zamboanga City; at Alyas “Rudy”, 32, binata, at residente ng Blk 2 Lot 15 SM Homes Subdivision, Sta. Catalina, Zamboanga City.


Nasamsam sa kanila ang 10 pakete na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 10 kilo at may street value na umaabot sa P68 milyon.

Napag-alamang sumailalim muna sa intelligence at case build-up operation ng mga tauhan ng PDEA ang mga suspek bago inilatag ang buy-bust operation bandang alas-3:30 ng hapon sa Seaside Blvd, North Parking, SMBY, Brgy. 76, Pasay, City.

Nakumpiska rin sa mga suspek ang mga cellular phone, sasakyan, buy-bust money at identification card sa nasabing operasyon.

Ang mga naarestong suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Art. II ng RA 9165.


Tags: PDEA RO NCR – Manila District Office

You May Also Like

Most Read