Customs authorities at NAIA inventory the drugs seized. (JERRY S. TAN)

P6-M ILIGAL NA DROGA, TINURNOVER SA PDEA

By: Jerry S. Tan

Mahigit P6-million na halaga ng illegal na droga mula sa abandonadong parcel ang naiturn-over na ng Bureau of Customs-NAIA sa NAIA-PDEA.

Ang nasabing illegal na droga ay nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs at NAIA PDEA-IADITG sa isang warehouse sa NAIA complex sa lungsod ng Pasay.

Ang mga naturang illegal drugs ay mula sa 19 na abandonadong parcel mula sa iba;t-ibang bansa na tinangkang ipasok sa Pilipinas.


Una dito ay may pinagsamang kabuuang 3,702.36 grams na marijuana o kush na may standard drug price na aabot sa P5,183,304 ang nakumpiska din, habang itinatayang nasa 577 ml. naman na hinihinalang marijuana oil ang kasama sa nasabat na may standard drug price na aabot sa P34,620.

Bukod diyan ay hindi rin nakalusot ang parcel na naglalaman ng 570 piraso ng ecstacy tablets na nagkakahalaga naman ng P969,000.


Samantala, naharang din ang dry opium poppy flowers na may bigat na itinatayang aabot sa 850 grams na hindi pa matukoy ang halaga.

Ang mga nasamsam na illegal na droga mula sa mga abandonadong parcel na may kabuuang halaga na aabot sa P6,186,924,00 ay naiturn-over na ng Customs-NAIA sa ilalim ni Atty. Yasmin Mapa sa NAIA PDEA-IADITG para sa tamang dokumentasyon at disposition.


Tags: Bureau of Customs-NAIA

You May Also Like

Most Read