NASA isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 million ang nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs-NAIA at Philippine Drug Enforcement Agency.
Napag-alamang arestado din ang 28- anyos na babae na kinilalang consignee ng ipinuslit na shabu, nang nagtungo ito sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Domestic Road, Pasay, upang kunin ang parcel na naglalaman ng nasabing droga. Naging matagumpay ang operasyon sa pagtutulungan ng PDEA at BOC-NAIA sa pamumuno ni District Collector Atty. Yasmin Mapa.
“The seized package was declared as ‘ladies’ wear and bags’ and was shipped from Ontario, Canada. The suspect, who was listed as the consignee, claimed she was unaware that the parcel contained illegal drugs,”anang PDEA.
Ani Dr. Mark Jhon Almase, Customs deputy collector for passenger services sa NAIA, ang iligal na droga ay nakalagay sa ilang transparent plastic bags na nakabalot sa foil at cling wrap nang dumating.
Ito ay napatunayang naglalaman ito ng shabu nang isailalim sa pagsusuri.
Kumpiskado din ang isang cellphone, notification card para ma- claim ang package at ilang identification cards, kasama na ang isang ID na may pangalan ng recipient ng parcel.














