HINDI rin nakalusot sa mga tauhan ng Bureau of Custom ang nasa P6.759 halaga ng shabu na isiningit sa mga auto spare parts para makalusot papasok ng Pilipinas.
Ayon kay BOC Commissioner Bienvenido Rubio, napigilan ng kanyang mga tauhan sa Aduana sa Port of Clark ang tangkang pagpuslit ng 994 grams ng methamphetamine hydrochloride o “shabu,” na may estimated street value na P6,759,200, sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency—Airport Interdiction Unit (PDEA-AIU).
“This joint effort once again demonstrated the BOC’s relentless drive in fortifying border security thru inter-agency collaboration in the fight against drug smuggling,” ani Rubio.
Napa-alaman na ang mga drogang isiningit sa mga vehicle spare parts ay nagmula sa Bujumbura, East Africa at dadalhin sana sa Cavite City.
Lumitaw na isinailalim ng mga tauhan ng Aduana sa enhanced X-ray screening ng BOC X-ray Inspection Project ang kontrabando, kaya ipinag-utos na dumaan ito sa physical examination.
Dito nakita ng mga Customs officers ang brown box na naglalaman ng metal wheel bearing na may apat na packages na nakabalot naman ng brown packing tape at naglalaman ng white crystalline substance na hinihinalang shabu.
Agad na isinumite ito sa PDEA para sa laboratory analysis, na siyang nagkumpirma na ang white substance ay methamphetamine hydrochloride, isang prohibited drug sa ilalim ng amended provisions of Republic Act No. 9165.
Customs plays a vital role in protecting the general welfare of the Filipino people by preventing the proliferation of dangerous narcotics. Our border protection efforts are not just about securing trade—they are about safeguarding lives,” ani Rubio.