P6.7 BILLION SHABU PUZZLE, IIWAN NA NI GEN. AZURIN

By: Victor Baldemor Ruiz

Tuluyan nang iiwan ni outgoing Philippine National Police chief PGen Rodolfo Azurin Jr. ang kontrobersya sa likod ng ?6.7 billion shabu puzzle na yumanig sa buong organisasyon kasunod ng umano’y tangkang coverup sa nahuling 990 kilo ng droga at pagkupit sa 42 kilo ng biggest shabu haul ng PNP ngayong pinaghahandaan na ng heneral ang kanyang napipintong pagreretiro sa serbisyo sa darating na Lunes, Abril 24.

Ayon kay PNP Spokesperson PCol Jean Fajardo, kabilang sa mga paghahanda na ito ay ang iba’t- ibang mga aktibidad na dinaluhan kung saan nagpapahayag din ito ng pasasalamat.


Kung hindi mapapalawig pa ang panunungkulan ni Azurin sa gitna ng mga katanungan kung sino ba ang susunod na uupo bilang hepe ng PNP ay maiiwan niya ang mga kontrobersiyang idinulot ng 990 kilo ng shabu na nahuli ng PNP-Police Drug Enforcement Group at ang resulta ng ginagawang vetting process para sa 3rd level PNP officials na naghain ng kanilang mga courtesy resignation.

Kabilang sa mga matunog na pangalan na tinitingnan na maaaring humalili kay Azurin bilang hepe ng Pambansang Pulisya ay sina Deputy Chief for Administration PLTGEN Rhodel Sermonia, Deputy Chief for Operations PLTGEN Jonnel Estomo, Director for Investigation and Detective Management ng PNP na si BGEN Eliseo Cruz at gayundin si PNP-Criminal Investigation and Detection Group chief PBGEN Romeo Caramat.

“Maging matibay at matatag sana ang susunod na mamumuno ng PNP,” payo ni Azurin sa sinumang hahalili sa kanya sakaling hindi na siya bigyan pa ng extension ni PBBM


Ayon kay Azurin, kung nais ng kanyang successor ng totoong pagbabago sa hanay ng Pambansang Pulisya ay dapat handa nitong kaharapin ang lahat ng hamon at pagsubok na kaakibat ng kanyang pwesto.

Samantala , naniniwala ang PNP chief na nagawa nya NAng maayos ang kanyang tungkulin sa loob ng halos 9 na buwan nito sa pwesto.


Tags: Philippine National Police chief PGen Rodolfo Azurin Jr.

You May Also Like

Most Read