P56- MILYONG HALAGA NG SHABU MULA US, NASABAT NG PDEA AT BOC — PINAKAMALAKI NGAYONG 2023

By: Victor Baldemor Ruiz

Nasabat ng pinagsanib na pwersa ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency ang mahigit P56,000,000 na halaga ng iligal na droga sa isinagawang ‘controlled delivery operation’ sa Cavite.

Ayon sa BOC at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nahuli rin sa isinagawang joint operation ang tatanggap ng iligal na kontrabando mula pa sa Cavite.


Sa inilabas na impormasyon ng mga awtoridad, galing Amerika ang package na dumating noong December 17 na naglalaman ng 8,126 gramo ng shabu na may estimated value na aabot sa P56,069,400 na tinangkang kunin ng consignee.

Nakatanggap umano ng tip ang mga awtoridad kung kaya masusing inimbestigahan at binusisi ang laman ng package na kinakitaan ng walong brown heat-sealed plastic na naglalamang ng illegal substance na idineklarang “dry food” at nagmula sa California, USA. Doon nakumpirma ng PDEA at BOC base sa chemical analysis na shabu ang mga ito.

Nag-isyu na ng warrant si District Collector Erastus Sandino Austria, laban sa nagpadala at mahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act in Relation to Republic Act 9165.


Samantala, sa datos ng ahensya, ito na ang pinakamalaking record ng nahuling ilegal na droga sa Port of Clark ngayong 2023.

“This arrest only shows that we are steadfast and firm in our efforts to protect the health of our people against the harmful effects of the illicit trade of drugs in the country,” pahayag ni Commissioner Bienvenido Rubio.


Tags: Bureau of Customs (BOC)

You May Also Like