Nasa P56.37-billion ang halaga ng iba’t- ibang illegal na droga ang nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Ayon sa datos ng PDEA, ang bulto ng nakumpiskang illegal drugs ay resulta ng mahigit 97,000 anti-drug operations. Ito ay mula Hulyo 1, 2022 hanggang katapusan ng buwan ng Enero ngayong taon.
Pinakamarami rito ay ang nakumpiskang shabu na umabot sa mahigit 7,000 kilograms.
Sinundan ito ng cocaine na mayroong 89.19kgs, ecstacy na aabot sa 121,022 piraso at marijuana na pumalo sa 6,247 kgs.
Umakyat naman sa mahigit 131,000 indibidwal ang naaresto ng PDEA habang 8,404 dito ay pawang mga high- value targets.
Kaugnay nito ay sumampa na sa mahigit 29,390 ang mga barangay sa buong bansa na idineklarang drug free.