P550,000 kumpirmado idineposito kay Escorial — Remulla

Kumpirmado na idineposito sa account ng self confessed gunman ang P550,000 kanayaran para patayin ang hard hitting broadcaster Percy Lapid.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla,base ito sa ginawa naman kumpirmasyon ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).


Sinabi ni Remulla na tugma ito sa ikinumpisal ni Joel Escorial na binayaran siya ng naturang halaga para patayin si Lapid.

” Nandoon talaga ‘yung P550,000 deposit within a certain amount of days,” ani Remulla .

Sinabi ni Remulla na idineposito sa magkakagiwalay na pagkakataon sa loob ng tatlong linggo, ang nabanggit na halaga.


“Maraming deposit ‘yan within a span of more than two weeks eh, within a three-week period. Parang ganu’n eh, within a 20-day period,” ayon kay Remulla.

Ito umano ay ipaliliwanag sa Lunes ng NBI dahil mayroon pa silang sinisimot na may partisipasyon sa kaso.


Nabatid na may sasampahan pa ng kaso sa NBI sa Lunes. (Jaymel Manuel)


Tags: Justice Secretary Jesus Crispin Remulla

You May Also Like