P537 MINIMUM PAY SA METRO MANILA, ‘DI NA SAPAT – BELLO

SUMANG-AYON si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na hindi na sapat ang P537 daily minimum wage pay sa National Capital Region (NCR) dahil sa patuloy na pagsirit ng presyo ng petrolyo at pangunahing bilihin.

Ngunit bago magpatupad ng pagtataas nito, naniniwala rin si Bello na kailangan ng sapat na pagtataya kung kakayanin ng ‘regional wage board’ kung kakayanin ng mga employers ang pagtataas sa sahod ng kanilang mga empleyado.

“Personally, talagang medyo maliit na yung P537 dito sa Metro Manila. Pero ang isang pinakamahalagang i-consider natin ay kaya ba ng mga employers,” saad ni Bello.


Tugon ito ng kalihim sa panawagan ng ilang ‘labor groups’ na itaas na ang sahod sa NCR upang makaagapay ang mga manggagawa sa patuloy na pagtaas ng bilihin.

Sa pagtataya ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER), sinabi ng executive director nito na si Rochelle Porras na kailangang maitaas sa P750 ang arawang suweldo.

Sinabi ni Bello na taun-taon ay nagsasagwa ng pagtataya ang regional wage board kung saan inaalam ang lahat ng mga kadahilanan sa bawat rehiyon bago magrekomenda ng pagbabago sa sahod. (Jaymel Manuel)


Tags: Secretary Silvestre Bello III

You May Also Like

Most Read