Latest News

P50K, ALOK BAWAT PAKETE NG SHABU NA ISUSUKO SA GOBYERNO, DEADLINE SA JULY 5

By: Victor Baldemor Ruiz

Nagtakda ng deadline ang Pamahalaang Panglalawigan ng Ilocos Sur sa mga magsasakang nakakita at nakakuha ng mga pake- paketeng shabu sa dagat para i-turnover ang mga ito sa mga awtoridad.

Ayon kay Ilocos Sur Provincial Board Member Efren Rafanan, itinakda ng pamahalaang- panlalawigan ang Hulyo 5 bilang deadline para sa mga mangingisda na i-turnover ang mga narekober na shabu at makatanggap ng P50,000 insentibo.

Nabatid na bukod sa Php 50,000 pabuya ay magbibigay din ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng P5,000 incentive sa bawat pakete ng shabu na narekober.


Sa talaan, umakyat na sa 87 pakete ng droga na itinatayang tumitimbang ng isang kilo bawat isa ang nakuha ng mga mangingisda at ibinigay sa pangangalaga ng mga awtoridad.

Ito ay matapos na makakuha ng panibagong apat pang pakete ng shabu na natagpuang palutang-lutang ang mga mangingisda sa lalawigang ito noong Linggo at Lunes.


Ang mga ito ay may katulad na mga marka sa 83 pack na natuklasan noong nakaraang linggo.

Narekober na noong Hulyo 2 ang 87 pakete na nagkakahalaga ng P591 milyon.


Kaugnay nito ay nagtatag ang Ilocos Sur Police Provincial Office (ISPPO) ng Special Investigation Task Group para imbestigahan ang mga recoveries na ito.

Pangungunahan ni Police Col. Darnell Dulnuan, ISPPO police director, ang task force kasama ang PDEA, Philippine Coast Guard (PCG), Maritime Police, Philippine Drug Enforcement Group, at Forensic Group bilang mga miyembro.

Tags: Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)

You May Also Like

Most Read