P504.4 MILYON, WINASAK NI ‘GORING’ SA AGRIKULTURA

By: Victor Baldemor Ruiz

PINANGANGAMBAHANG lolobo pa ang pinsalang idinulot ng bagyong ‘Goring’ sa sektor ng agrikultura dahil sa patuloy na mga pag-ulan at pagbaha .

Sa inilabas na update ng Department of Agriculture na isinumite sa National Disaster Risk reduction Management Council (NDRRMC) ay umabot na sa P504.4 million ang halaga ng agrikultura na nasira dahil sa pananalasa ng typhoon Goring.


Batay sa inilabas na datos, nasa 11,965 na magsasaka ang naapektuhan ng bagyo habang nasa 21,134 metrikong tonelada ng produktong agrikultura ang nasira habang nasa 20,000 ektaryang sakahan ang naapektuhan.

Kabilang sa mga nasira ang pananim na palay, mais, gulay, high value crops at livestock. Mula ito sa mga lugar na napinsala ng bagyo sa Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, at Western Visayas.

Patuloy na nagsasagawa ng assessment ang DA para mabatid ang lawak ng pinsala ng bagyo.


Sa ngayon, nasa P100 milyong halaga ng binhi, buto ng mais at gulay ang ipamamahagi ng DA at mayroon na ring nakahanda na drugs at biologics para sa mga apektadong livestock at poultry.

Samantala, inihayag ng ahensya na maaaring mag-loan ang mga apektadong magsasaka at mangingisda ng hanggang P25,000 ng walang interes at maaaring bayaran sa loob ng tatlong taon.


Pinapayuhan ang mga apektadong magsasaka at mangingisda na magtungo lamang sa tanggapan ng DA para mabigyan ng ayuda.

Ayon pa sa ahensya, asahan na tataas pa ang halaga ng pinsala dulot ng nararanasang sama ng panahon na dala rin ng bagyong Hanna.


Tags: National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC)

You May Also Like

Most Read