Latest News

P500K SA MGA LASING AT DRUGGED DRIVERS

PINAALALAHANAN ng pamunuan ng Philippine National Police ngayon kapaskuhan ang mga driver na huwag magmaneho ng lasing upang makaiwas sa sakuna o maharap sa humigit kumulang sa P500 libong multa.

Ayon kay PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr.may umiiral na Republic Act 10568 o ang Anti-Drunk and Drugged Driving Act na may pena na sinumang mapatutunayan na nagmamaneho ng lasing o nasa impluwensya ng iligal na droga ay maaaring makulong o pagmultahin ng humigit kumulang kalahating milyong piso (P500,000) depende sa bigat ng pagkakasala.


Kaugnay nito, inatasan ni PGen. Rodolfo Azurin Jr., ang PNP Highway Patrol Group na pinamumunuan ni HPG chief Brig. Gen. Clifford Gairanod na ayudahan ang Metropolitan Manila Development Authority at Land Transportation Office na maging alerto at tugisin ang mga lasing na motoristang lasing kaugnay na rin ng sunod sunod na Christmas party at selebrasyon ng Pasko at bagong taon.

Samantala inihayag ng heneral na may direktiba siyang tumulong din sa traffic management ang mga tauhan ng PNP HPG lalo na sa mga matataong lugar tulad ng mga mall, simbahan, bus terminal, paliparan, pantalan, mga pook pasyalan at iba pang places of convergence. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)


Tags: Philippine National Police

You May Also Like

Most Read