Latest News

P500 MILYONG HALAGA NG MARIJUANA, NAKUMPISKA

ITINATAYANG aabot sa P500 milyong halaga ng marijuana ang nakumpiska ng mga awtoridad sa Benguet at Kalinga sa Cordillera Region sa loob ng sampung araw na tuloy tuloy na joint anti-narcotics operation ng Armed Forces of the Philippine (AFP) , Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Benguet at Kalinga. .

Ayon kay Northern Luzon Command chief Ltgen Ernesto Torres Jr., libolibong puno ng Marijuana ang binunot at sinunog ng Joint Task Group Peace and Justice katuwang ang PDEA, PNP at maging ang National Bureau of Investigation,sa inilunsad na anti-illegal drug operations areas ng Tinglayan sa Kalinga.

Sa pahayag naman ni PNP Chief Dionardo Carlos, ang serye ng mga operasyon ay bahagi ng Herodotus 2, isang special operation ng PNP, PDEA, NBI, Philippine Coast Guard (PCG) at Armed Forces of the Philippines (AFP).


Kabilang sa mga ikinasang operasyon ang pagsalakay sa 70 marijuana plantations, na nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlong katao.

Nabatid kay Ltgen Torres umaabot na 1,577,500 fully grown marijuana plants (FGMP), 102,000 grams ng marijuana dried leaves, 86,000 grams ng marijuana seeds; 20,000 grams ng marijuana fruiting tops, at15,000 grams ng marijuana stalks ang kanilang nakumpiska at sinunog sa may 11 plantation sites na kanilang sinalakay sa Barangay Tulgao, 12 plantation sites sa Barangay Loccong, at dalawang plantasyon sa Barangay Butbut, na pawing nasa bayan ng Tinglayan.

“The total estimated value of the destroyed marijuana plants sums up to P339, 915, 000.00” ani NoLCom Commander. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: ,

You May Also Like

Most Read