Quezon Police Provincial Office Camp BGen Nakar P Lucena City – Kaugnay sa malawakang kampanya kontra ilegal na droga, walang kawala ang (1) SLI drug suspect sa inilatag na buy-bust operation ng Intel/SDEU Lucena PNP kasama ang pwersa ng PIU/QPDEU, PDEA Quezon, Quezon Maritime Police Station, CIDG Quezon at RIU Quezon sa Purok Riverside, Brgy. 1, Lucena City, ngayong araw petsang September 21, 2022.
Ayon kay PCOL LEDON D MONTE, Officer-In-Charge ng Quezon PPO, bandang 08:26 ng umaga isinagawa ang operasyon, kung saan naaresto ang suspek na si John Dave Ariles @Balas, 22 years old, at kasalukuyang residente ng Purok Riverside, Brgy. 1, Lucena City.
Batay sa imbestigasyon, si Balas ay naaresto sa aktong pagbebenta ng pinagbabawal na drogang marijuana, kung saan narekober naman sa kaniyang posesyon ang mga ebidensyang; (12) piraso ng mga sachet ng dried marijuana leaves na may humigit-kumulang na timbang na 1,383.7 gramo at halagang Street Value na Php 498,192.00, (1) piraso ng 500 peso bill (buy-bust money), (4) na plastic container, (1) piraso ng glass container, (1) piraso ng coin purse, (2) piraso ng weighing scale, at (1) unit XIAOMI cellphone na pagmamay-ari ng naturang suspek.
Gayundin naman, ang pagkakaaresto kay Balas ay isinagawang nakabatay sa naaakmang pagpapabatid ng karapatang pangkonstitusyon (Miranda Doctrine and Anti-Torture Warning) at nasundan naman ng pag-iimbentaryo sa harap ng mga Barangay Official ng nasabing lugar at kinatawan ng media.
Ang nadakip na suspek ay nahaharap naman ngayon sa kasong Violation of Section 5, Article 2 ng RA 9165 at kasalukuyang nasa pangangalaga ng Lucena City Police Station para sa tamang dokumentasyon ng proseso ng paglilitis at sasailalim sa pisikal at medikal na eksaminasyon.
“Kapuri-puri ang buong kapulisan ng Quezon sa ilalim ng pamumuno ni PCOL MONTE para sa di matatawarang komitment at dedikasyon sa pagpapatupad at pagpapalawak ng mga mandato kontra ilegal na droga bilang isang alagad ng batas. Gayon din naman, ako ay lubusang nagagalak sa bawat miyembro ng komunidad para sa patuloy na pagtitiwala at pakikiisa sa mga programa ng PNP hinggil sa pagpapanatili ng isang ligtas, tahimik, at payapa na probinsya ng Quezon laban sa banta ng droga at anumang uri ng ilegalidad.”, tahasang pahayag ni PBGEN JOSE MELENCIO C NARTATEZ JR, Regional Director ng PRO 4A. (VICTOR BALDEMOR)