Latest News

P455-M, INILAAN NG DOLE SA NASALANTA NI ‘KARDING’

Naglaan ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng inisyal na P455.6 milyon para sa implementasyon ng emergency employment program sa Ventral Luzon ar Calabarzon na sinalanta ng bagyong Karding noong nakalipas na linggo.

Sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program, ang isang informal sector workers sa naturang rehiyon ay bibigyan ng minimum na 10 araw na trabaho kung saan patutulungin sila sa
clearing, cleaning, de-clogging ng canals, debris segregation, materials recovery, at iba pang aktibidad kailangan sa rehabilitasyon ng kanilang komunidad.

Tiniyak ni Labor Secretary Bienvenio E. Laguesma na patuloy na makakatanggap ng suporta ang mga naapektuhan ng bagyo.


Gayundin ang karagdagan na pondo sa TUPAD na gagamitin sa ibang programa gaya ng pagbibigay ng skills training sa mga benepisyaryo.

Sinabi ni DOLE Central Luzon Regional Director Geraldine M. Panlilio na may kabuuan P365 million,ang nailaan sa imolementasyon ng programa sa pakikipag partner sa local government units at sa kani-kanilang Public Employment Service Offices sa rehiyon.

Sinabi ni Panlilio na may 14,000 benepisyaryo ang kalahok sa ilalim ng programa.

Samantala,may 29,000 ang nakatakdang mabigyan ng trabaho sa ilalim ng peograma.


Nabatid na ipinamahagi na ng DOLE,ang suweldo ng may 31,333 benwpisyaryo sa Bulacan, Tarlac, at Bataan. (Jaymel Manuel)

Tags:

You May Also Like

Most Read