P4-MILYONG HALAGA NG KUSH MULA US, HULI

By: Victor Baldemor Ruiz

ITINATAYANG nasa dalawang kilo ng Kush o high-grade Marijuana na nagkakahalaga ng P3,923,700 ang nahuli mula sa isang lalaking consignee nang tanggapin nito ang kontrabando kasunod ng isinagawang controlled delivery operation sa kahabaan ng Quezon Blvd., Barangay 310, Sta. Cruz.

Sa ulat na isinumite ng PDEA Central Luzon team leader kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Amorio Vergilio Lazo, kinilala ang claimant ng illegal na droga na si Jeric G Herrera, 27 taong gulang, binata, at residente ng 143 Alley F. Telecom Compound, Brgy. 310, Sta. Cruz, Maynila.


Kinuha ni Herrera ang isang malaking brown box na naglalaman ng limang lata na pinagsidlan ng limang transparent plastic pouch na naglalaman ng mga tuyong dahon at fruiting top na pinaghihinalaang Kush at may tinatayang timbang na higit o kulang sa 2. 378 kilo na nagkakahalaga ng P 3,923,700; isang identification card; at isang Airway bill.

Ayon sa mga miyembro ng operating team, ang parcel na naglalaman ng mga ilegal na droga na nagmula sa USA ay dumating sa Port of Clark noong Abril 11, 2023.

“Ang pakete ay idineklara bilang Teavana Green Herbal Tea. Sumailalim ito sa X-ray at K-9 inspection nakitaan ng pagkakaroon ng indikasyon ng mapanganib na droga matapos n i-hold ng Bureau of Custom.


Pagkatapos ay isinagawa ang isang pisikal na pagsusuri ng BOC at PDEA na humantong sa pagkadiskubre ng limang transparent plastic pouch na naglalaman ng naturang droga

Ang operasyon ay magkatuwang na isinagawa ng mga operatiba sa pangunguna ng PDEA Central Luzon, PDEA Clark AIU-Clark Inter Agency Drug Interdiction Task Group, Bureau of Customs – Port of Clark, PDEA-NCR at Manila Police District.


Sasampahan ng kasong paglabag sa Section 4 (importation of dangerous drugs) ng Republic Act 9165 ang naarestong consignee.


Tags: Director General Amorio Vergilio Lazo, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)

You May Also Like