NASA P4.4 million ang halaga ng mga hindi dokumentadong sigarilyo ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa pantalan sa Zamboanga.
Kasunod ito ng isinagawang seaborne patrol operation ang mga tauhan ng Bureau of Customs sa Barangay Recodo sa Zamboanga City kaya namataan ang isang lantsa na may kargang kontrabando.
Kasalukuyang bineberipika ang mga tunay na pagkakilanlan ng mga nadakip na tripulante ng nasabat na watercraft.
Tatlo dito ay mula sa Barangay Kasayangan at isa ay mula sa Barangay Southcom at pareho silang taga-Zamboanga City.
Lumitaw sa pagsisiyasat na nagmula umano ang lantsa sq Jolo, Sulu at patungong Zamboanga City subalit nang rekisahin ang mga kargamento ay walang dokumentong maipakita ang mga tripulante bilang patunay na hindi ilegal ang mga hinihinalang smuggled cigarettes.
Kinumpiska ang mga sigarilyo alinsunod sa Section 1113 kaugnay ng Section 117 ng Republic Act 10863 o mas kilala bilang Customs Modernization and Tariff Act of 2016 at sa Executive Order Number 245 na pinamagatang ” Amended Rules and Regulations Governing the Exportation and Importation of Leaf Tobacco and Tobacco products.