P4.1.milyon ayuda sa mga pamilyang apektado sa bagyong Paeng

Nagkaloob na ang gobyerno ng may P4.1 milyon ayuda sa mga pamilyang apektado nang pananalasa ng bagyong Paeng na unang nagland fall sa Bicol Region.

Ito ay sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), local government units (LGUs), at iba pang partners.


Ayon kay OPS-OIC Usec Cheloy Belivaria-Garafil ,sa kabuuan ay may P1.5 bilyong relief sources ang gobyerno at P445.2 milyon standby funds at quick response fund (QRF).

Bukod pa umano ito sa mahigit P1 bilyon halaga ng stockpiles.na nakahanda nang ipamahagi sa mga apektadong pamilya.

Ayon sa DSW ,may 97,206 pamilya ang apektado ng bagyo sa ilang rehiyon at nasa 12,304 pamilya naman ang nasa evacuation centers.


Sa inisyal na ulat, may 54 bahay ang napinsala at 54 rin ang partially- damaged.

Kabilang ang Calabarzon, Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Soccsksargen, Caraga Region at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa grabeng naapektuhan ng bagyong Paeng.


Base sa PAGASA ,ang sentro ng Bagyong Paeng ay dadaan sa Bicol Peninsula bago pumunta sa Calabarzon-Metro Manila-Southern Central Luzon area niyong Sabado ng hapon. (Carl Angelo)


Tags: Department of Social Welfare and Development (DSWD), local government units (LGUs)

You May Also Like

Most Read