P398-M HALAGA NG SMUGGLED CIGARETTES, NASABAT NG PHIL. NAVY

By: Jesse Ruiz

NASA P398 milyong halaga ng mga hinihinalang puslit na sigarilyo ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Navy-Naval Forces sa baybayin ng Sulu, sa tatlong magkakahiwalay na operasyon.

Pinangunahan ng Naval Forces Western Mindanao ang mga operasyon mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 1, na nagresulta sa pagkakasamsam ng 2,581 cases ng iligal na sigarilyo, gayundin ng mga de-motor na sasakyang pandagat na ginamit sa transportasyon ng mga ito.


Itinatayang umaabot sa P397,805,257.60 ang kabuuang halaga ng mga nakumpiskang kontrabando.

Binigyang-diin naman ng mga opisyal ng Hukbong Pandagat na ang ganitong uri ng iligal na kalakalan sa karagatan ay nakapipinsala sa kita ng pamahalaan mula sa buwis at nagdudulot ng hindi patas na kompetisyon sa mga lehitimong lokal na negosyo sa bansa.


Tags: Philippine Navy-Naval Forces

You May Also Like

Most Read