Latest News

P33 dagdag sahod sa NCR workers, inaprubahan

INAPRUBAHAN ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board – National Capital Region, ang P33 karagdagang arawang sahod sa mga manggagawa.

Nabatid sa inisyu na Wage Order No. NCR-23 inilabas noong Mayo 13,2022 dahilan ito para umabot na sa P570 ang bagong minimum wage sa NCR workers at P533 naman sa non-agriculture at agriculture sectors.

Inaasahan na mapu-protektahan nito ang mahigit 1 milyon minimum wage earners ng mga pribadong establisimiyento .


Ikinukunsidera rin ang pagtaas ng sahod para maibalik ang purchasing power ng mga minimum wage earners dahil sa pagtaas ng pangunahing pagkain, commodities, at petroleum products.

Magugunita na huling nagtaas ng sahod sa manggagawa sa pribadong sektor noong Nobyembre 22,2018.


Samantala, ang RTWPB-6 ay nag-isyu naman ng Wage Order No. RBVI-26 na nagkakaloob rin ng taas sa sahod para workers sa non-agriculture, industrial at commercial establishments ng hanggang PhP55 – PhP110 , dahilan para umabot sa PhP450 ang arawang sahod at PhP420 naman sa mga workers na 10 lamang ang empleyado ng employer.

Bilang karagdagan, pinayagan rin nh RTWPB ang P95 taas sahod sa mga manggagawa sa agricultural sevtir dahilan para maging PhP410 ang kanilang arawan sahod.


Inaasahan na mapu-protektahan ang may 214,836 minimum wage earners sa pribadong establisimiyento sa rehiyon.

Kaugnay nito,nag-isyu rin ang Board ng Wage Order No. RBVI-DW-04 na nagkakaloob ng karagdagang P500 para sa buwanag sahod ng domestic workers kaya magiging PhP4,500. Inaasahan na magbebenepisyo sa wage order ang may 160,795 domestic workers.

Huling nabigyan ng taas sa sahod ang mga domesticworkers noong Nobyembre 26,2019 at Mayo 8,2019.

Ang bagong Wage Orders ay isusumiye sa Commission para.sa pag rebisa at magiging epektibo makalipas ang 15 araw matapos na mailathala sa pahayagan na may general circulation. (Philip Reyes)

Tags: Department of Labor and Employment

You May Also Like

Most Read