INANUNSYO ng Department of Labor and Employment na epektibo simula sa Hunyo 3, 2022 ang P33 umento sa arawang sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila.
Magiging P570 na ang minimum wage kada araw ng mga manggagawa sa non-agriculture sector habang P533 naman sa agricultural sector.
Ang mga bagong pagtaas ng sahod ay naglalayon umanong “ibalik” ang kapangyarihan sa pagbili ng mga minimum wage earner sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at produktong petrolyo.














