Latest News

P32.44 BILLION DROGA, NAKUMPISKA NG PDEA

By: Victor Baldemor Ruiz

UMAABOT sa P32.44 bilyon ang halaga ng samut-saring iligal na droga ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency sa mga isinagawang anti-illegal drug campaign nito simula pa noong Hulyo 1, 2022 hanggang nitong buwan ng Pebrero taong 2024.

Sa inilabas na “The NUMBERS of the National Anti-Drug Campaign” ay nakasamsam ang PDEA ng 4,353.81 kilogram ng shabu, 50.5 kgs ng cocaine habang umaabot naman sa 54,016 piraso ng party drugs o ecstasy ang nasamsam ng ahensya bukod pa sa 3,589.08 kilos ng marijuana.

Umabot naman sa 5,691 ang naarestong high- value targets sa loob ng 61,800 anti-drug operations na inilunsad ng PDEA.

Lumabas din sa talaan ng ahensya na na may kabuuang bilang na 28, 330 drug-cleared barangays, habang nasa 7,181 barangay naman ang itinuturing na drug-affected barangays.

Isang clandestine drug laboratory ang kanilang nabuwag habang umabot naman sa 901 drug dens ang sinalakay at na-dismantle ng mga awtoridad.

Umabot sa bilang na 84,291 ang naaresto na mga drug personalities na pawang nahaharap sa kasong paglabag ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon kay PDEA Director General Moro Lazo, ang inilabas nilang ulat ay upang ipakita sa sa publiko na tuloy-tuloy ang ginagawa ng ahensya sa pagsugpo sa salot ng lipunan, wasakin ang mga nasa likod ng drug syndicates at papanagutin ang mga ito sa umiiral na batas.

Tags:

You May Also Like

Most Read