P3 MILLION HALAGA NG SHABU, NAKUMPISKA NG PDEA

TINATAYANG mahigit sa P3 million ang halaga ng shabu na nakumpiska ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) IV-A Cavite Provincial Office (PO) at Pasay CPS matapos ang matagumpay na anti Narcotics operation sa kahabaan ng Pacific Drive, Zone 10, Brgy. 76, Pasay City.

Ayon sa PDEA, isang buy bust operation ang inilatag ng kanilang mga ahente kamakalawa ng tanghali sa area ng Pacific Drive sa Barangay 76 na nagresulta sa pagkakadakip sa isang 28 anyos na drug personality .


Batay sa report ng mga operatiba kay PDEA Director General WILIKNS M.VILLANUEVA kinilala ang suspek na si Norhidin Medted Gadi 28 anyos na nakuhanan ng kalahating kilo ng shabu na may street value na P 3,450,000.00 na nakalagay sa isang pirasong self-sealing Transparent plastic bag na may label na Reynold at isang Unit na Toyota Coaster with Plate Number NBK 2308

Agad inaresto ang lalaki matapos magpositibo ang transaksyon nito sa isang ahente na nagpanggap na buyer.

Inihahanda na ngayon ang kaso isasampa laban sa suspek na may kaugnayan sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) IV-A Cavite Provincial Office (PO) at Pasay CPS

You May Also Like

Latest News