P3.9-M marijuana, winasak ng NBI

By: Baby Cuevas

Umaabot sa may 19,500 piraso ng “fully- grown marijuana plants” na nagkakahalaga ng P3.9 milyon ang sinira ng mga ahente ng National Bureau of Investigation – Cordillera Administrative Region (NBI-CAR) sa sinalakay nilang 8,000 square-meter na lupain,kamakailan sa Sitio Bana, Barangay Tacadang, Kibungan, Benguet.

Isinagawa ang operasyon matapos na makatanggap ng impormasyon ang NBI-CAR kaugnay ng mga minamantinang marijuana plantation ng isang ‘Arturo’.


Napag-alaman na matapos na makipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – Cordillera ay ikinasa ang Operation “BANA-02” at nagpunta sa lugar ang mga awtoridad para arestuhin si Arturo.

Gumamit pa ng drone ang NBI-CAR para matukoy ang iba pang marijuana plantation sa lugar.

Hindi naman nakita sa lugar si Arturo nang isagawa ang operasyon noong Pebrero 20,2024.


Tags: National Bureau of Investigation – Cordillera Administrative Region (NBI-CAR)

You May Also Like

Most Read