P3.6-bilyong shabu, nakumpiska sa Mexico, Pampanga

By: Baby Cuevas

Nasamsam ng pinagsanib na tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Bureau of Customs (BoC) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ang may 530 kilo ng shabu na itinago sa plastic ng chicharon at dried fish kamakalawa ng gabi sa isang bodega sa Purok 5, San Jose Malino, Mexico City, Pampanga.

Ayon kau”y Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, ito na ang pinakamalaking huli ng iligal na droga ngayong taon sa bansa.


Sinabi ni Remullana ang shabu ay nagmula sa Thailand sakay ng Sitc Shekou at dumaong sa Subic Port in Subic Bay Freeport Zone noong Setyembre 18,2023.

Nagawa umano ng crack team ng NBI na mapasok ang sindikato at mahubaran ng maskara ang mga sangkot sa pagpasok ng iligal na droga sa bansa.

Kinumpirma ni Remulla na may mga sangkot na dayuhan at may iniimbestigahan na rin na taga-BOC.


“Definitely meron ,thailand is one of the sources of the drugs the markings of many of the packagings have thai markings. sinama sa chicharon saka dogfeed dun nila sinama. We dont know if these was used also to hide the smell of the drugs but definitely may foreign involvement. simply foreign syndicates we are talking about, “ayon kay Remulla.

Inamin ni Remulla na napaka-sopistikado na ng operasyon ng sindikato dahil maski ang mga K-9 dogs ay nahirapan at dapat na muling sanayin sa pag-amoy ng iligal na droga.


“We have a list of people to be arrested it is being worked at by the nbi. NBI is on the job now pursuing these people kasi ano to this is a very intricate operation planned months ago,”ayon kay Remulla.

Gayunman, tumanggi si Remulla na magbigay ng pangalan ng mga taong sangkot sa sindikato.


Binigyang-diin pa ni Remulla na dapat matyagang mabuti ang daungan ng Subic dahil dito rin ipinapasok ang mga smuggling na produktong agrikultura at iba pa.

Sanhi ng naturang malaking huli ,nakatakdang magkaroon ng.masusing.pakikipag-ugnayan ang NBI sa National Prosecution Service para sa pagsasampa ng kaso.

Magkakaroon rin ng imbestigasyon sa kaso ang Anti-Money Laundering Council.



Layunin nito na kilalanin ang korporasyon na ginamit para sa pagpupuslit ng iligal na droga sa bansa.

Tags: Justice Secretary Jesus Crispin Remulla

You May Also Like