Latest News

P3.558-B HALAGA NG KARGAMENTO, PINALUSOT SA CUSTOMS NANG WALANG TAMANG PAGSUSURI – COA

By: Victor Baldemor Ruiz

MAY mga red flags na natukoy ang Commission on Audit (COA) sa Aduana nang palusutin nila ang mga kargamento na may assessed duties at taxes na umaabot sa P3.558 billion na dapat umano ay isinailalim sa 100 percent physical inspection ng Bureau of Custom.

Sa 2022 annual audit report ng BOC, sinabi ng state auditors na may 2,416 consumption entries na tinaguriang “green, yellow or orange” na ni-released na hindi dumaan sa mandatory 100 percent physical inspection, inconsistent with the prescribed and fixed criteria of the bureau.


Bigo namang matukoy sa COA kung ano-ano ang mga tinutukoy na kontrabando.

“The release of shipments which should have been tagged as ‘Red’ without 100 percent physical inspection poses the risks that misdeclaration/undervaluation of goods and importations of prohibited goods may not be detected thereby affecting the revenue generation and border protection functions of the Bureau to the disadvantage of the government,” ayon sa COA audit team.

“Green” items are released without further inspection, “yellow” needs validation of documentary requirements and “orange” have to be subjected to physical inspection if the image is found to be suspicious upon x-ray scanning.


Isinulat sa audit report na pumayag ang Bureau of Custom management sa recommendation ng audit team na muling rebisahin ang P3.558 billion entries at non-compliance sa fixed criteria ng kawanihan.

Napuna rin ng COA ang umanoy inappropriate tagging ng 45,677 consumption entries na may assessed duties and taxes na P38.510 billion.


Sinasabing sumang ayon ang pamunuan ng BOC sa rekomendasyon ng audit team na rebisahin ang consumption entries at ipaliwanag ang non-compliance sa may fixed criteria.

Binanggit din sa audit report ang naantalang pagtatapon ng mga forfeited goods at mga bagay na may kabuuang P567.265 milyon ng 3 araw hanggang 265 na buwan, dahilan para malantad ang mga kalakal at iba pang articles sa higit pang pagkasira o panganib na pagkasira.


Kabilang sa mga daungan na may pinakamataas na tinatayang halaga ng mga forfeited goods at mga artikulo na naantala sa pagtatapon ay ang mga Port ng Manila, Zamboanga, at Limay.

“Ang kawalan ng mga timeline sa disposisyon at ang kawalan ng kakayahan ng mga Port na magsagawa ng mga kinakailangang paglilitis sa pagtatapon ay nagresulta sa pagkawala ng mga kita ng gobyerno na kumakatawan sa mga nalikom sa pagtatapon o pagkolekta ng mga tinasang tungkulin at buwis na dapat bayaran mula sa mga kargamento na ito, posibleng pagkawala sa pamamagitan ng pagnanakaw at pagkasira, karagdagang mga bayad sa pag-iimbak, nakalimutan ang mga kita ng gobyerno at higit pang nag-aambag sa pagsisikip ng daungan dahil sa overstaying na mga lalagyan at kargamento,” sabi ng audit team.

Sumang-ayon din ang pamunuan ng BOC sa rekomendasyon ng audit team na hilingin sa mga pantalan na agad na itapon ang mga kalakal at artikulo upang maiwasan ang karagdagang pagkasira at pagbaba ng halaga.



Isang kopya ng COA Report ang natanggap ng tanggapan ni BOC Commissioner Bienvenido Rubio noong Hunyo 22, 2023.

Wala pang inilabas na pahayag ang Aduana hinggil sa nasabing COA report.

Tags: Commission on Audit (COA)

You May Also Like