P3.4-MILYONG HALAGA NG SHABU, HULI NG PDEA

ITINATAYANG higit P3 milyong halaga ng droga o shabu ang nasabat ng pinagsanib pwersa ng PDEA 4A Regional Special Action Team at ng PDEA NCRO North District at PNP Valenzuela CPS sa isinagawang anti-narcotics operations sa Valenzuela City.

Sa report na isinumite kay PDEA Director General Dr Wilkins Villanueva, isang buybust operation ang ikinasa kamakalawa ng hapon na nagresulta ng pagkakaaresto sa mga drug suspects na kinilalang sina Marlon Padilla y Manalos, 43 at Alexander Policarpio y Tuazon, 41.

Una rito, nagsagawa muna ng surveillance operation at case buildup ang mga operatiba ng PDEA bago isinagawa ang drug buybust sa No. 4009 Gen. T Central Building, Barangay General Tiburcio, Valenzuela City


Nakumpiska ang 500 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may street value na aabot sa P3,400,000.

Ang dalawang suspek ay kapwa mahaharap sa kasong paglabag ng Seksyon 5 May kaugnayan sa SEC 26 talata B, Artikulo II ng RA 9165. (VICTOR BALDEMOR)

Tags: PNP Valenzuela CPS

You May Also Like

Most Read